The most unfair thing about life is the way it ends. I mean, life is tough. It takes up a lot of your time. And what do you get at the end of it?
Death.
What's that, a bonus? I think the life cycle is all backwards.
You should die first, then you live in an old age home. You get kicked out when you're too young, you get a gold watch and you go to work. You work forty years until you're young enough to enjoy your retirement. You do drugs, alcohol, you party, and you get ready for high school. You go to grade school, you become a kid, you play, you have no responsibilities. You become a little baby, you go back into the womb, spend your last nine months floating... and you finish off as an orgasm.
Now, that’s more like it. =)
Napanood ko ang “The Curious Case of Benjamin Button” noong Sabado. Ang haba ng pelikula. Tatlong oras din yata akong nag isip kung paano ito matatapos. Kung ang katapusan nga ba ang simula o ang simula ang katapusan. Maraming nagsabi sa akin na ang pelikula daw ay tungkol sa kamatayan pero matapos ko itong mapanood, sa palagay ko’y mas tungkol ito sa buhay.
Madami-dami din naman akong nailuha habang pinapanood ko ito. Nakakahiya man sa nakakita o nakarinig sa akin ay wala na akong paki alam. Basta’t hinahayaan ko lang pumatak ang luha ko sa mga eksenang naisin nitong pumatak. Naisip ko, ano mang katapusan ay nagdudulot naman talaga sa atin ng kalungkutan. Kapag may nagpaalam, pag-ibig na natapos, kaibigang lumayo o di kaya’y mahal sa buhay na pumanaw. Ang tema ng paghihiwalay ay laging nag iiwan ng kurot sa ating mga puso.
Kung ako ang iyong tatanungin, maganda ang pelikula. Kung may panahon ka, panoorin mo ito. Ito ay sumasalamin sa katotohanan, pagpapatawad, pagmamahal at pagtanggap --- sa sarili at sa kapwa, sa mga kahinaan at lakas, sa mga kalabisan at mga pagkukulang.
Sa kalagitnaan ng pelikula, naisip ko, anong buhay nga ba ang mas may kabuluhan? Ang batang tumatanda sa paglipas ng panahon o ang matandang bumabata habang tumatakbo ang oras? May pagkaka iba kaya? Mas marami bang maaaring matutunan ang isang taong bumabata kaysa sa isang taong nag kaka edad?
Ipinanganak si Benjamin Button na isang sanggol na animo’y may kung anong karamdaman. Ang itsura nya ay maihahalintulad sa isang taong may edad na 70. Namatay ang kanyang ina habang sya ay isinisilang. At dahil nga sa hindi pangkaraniwan ang kanyang itsura ay iniwan sya ng kanyang sariling ama sa hagdanan ng isang gusaling kumukupkop sa mga taong matatanda. Dalawang uri ng pagmamahal ang makikita natin dito.
Una, pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na sukdulang ibigay ang sariling buhay para lamang mailabas sya sa mundong ibabaw. Napakaganda ng sinabi ng ina ni Benjamin sa asawa nito, “Please make sure you keep him safe.” Hanggang sa huling hininga ng kanyang ina ay kapakanan pa ng kanyang anak ang kanyang iniisip. Sa eksenang ito, masasabi kong si Benjamin na marahil ang pinaka swerteng sanggol na ipinanganak.
Pangalawa, ay ang pagmamahal na ipinakita ng kanyang ama. Naisip ko, mahal nya kaya talaga ang kanyang anak? Ginawa nya kaya talaga kung ano ang sa tingin nya ay makabubuti para dito? Hindi naman nya ito pinatay, subalit hindi rin naman nya ito inalagaan. Ang sa akin lang, ang pagmamahal ay laging katuwang ng pagtanggap. Nakakalungkot isipin na ang sarili nyang ama ay hindi sya natanggap sa simula pa lang. Nakakalungkot na hindi sya binigyan ng pagkakataong mapatunayan kung ano ang kaya nyang gawin. Nakakalungkot na sya ay hinusgahan base sa panlabas na kaanyuan. Paano natin maaasahang maintindihan tayo ng lipunan kung ang sarili nating mga tahanan, na syang dapat magtuturo sa atin ng pangunawa at pagmamahal, ay agad na tayong tinalikuran?
Kung binasa ko ang librong “The Curious Case of Benjamin Button” marahil ay nabagot ako. May mga eksena kse dito tungkol sa World War II. Ewan ko ba, pero hindi lang siguro talaga ako ganun kainteresado sa mga giyera at digmaan.
Sa pag unawa sa buhay, naisip kong hindi naman importante kung tumanda ka o bumabata habang nagtatagal. Ang importante ay natuto kang magbigay, magmahal, magpatawad at magparaya. Ang mahalaga ay bumabangon ka sa bawat pagkakadapa at natututong mangarap muli sa bawat pagkabigo.
Sa huli, tumatanda man ang isang tao o bumabata, ang lahat ay mauuwi rin naman sa pinaka pinal na yugto ng buhay --- kamatayan. Pero ano nga ba ang kamatayan? Isang katapusan? Hindi ba’t ito ay panibagong simula rin lang naman. Panibagong simula para sa namaalam at panibagong simula para sa kanyang mga naiwan.
Ang lahat ay totoong hiram lamang --- ang oras, pamilya, kaibigan, kalusugan, karunungan, kayamanan. Lahat, pagdating ng takdang oras ay kukuhanin din sa atin. Ang mahalaga ay natuto tayong pahalagahan ang lahat ng ito habang tayo ay nabubuhay. Ang mahalaga ay naibahagi natin sa iba ang mga biyayang sa atin ay ipinagkaloob. At higit na mahalaga ay natuto tayong igalang at mahalin ang ating mga sarili gayun din ang ating kapwa.
Komplikado ang buhay. Habang higit mo itong pilit na iniintindi ay lalo mo itong hindi naiintindihan. Naisip ko lang, kapag nilisan na kaya natin ang mundong ito, baon kaya natin ang ating mga alala o maging iyon ay kukunin din sa atin? Kung kuhanin ang lahat sa atin, dapat ba tayong maging malungkot o dapat ba tayong maging masaya dahil minsan ito ay sa atin?
Napaka hiwaga talaga ng buhay. Lahat ng ating pinagdadaanan ay nagmumulat sa atin sa mga panibagong katanungan na pilit naman nating hahanapan ng mga bagong kasagutan.
Sa huli, lahat naman ay mauuwi rin talaga sa pagmamahal. At pwede lang tayong mangarap na totoong mahal nga natin ang ating mga sarili, na mahal natin kung ano tayo ngayon --- bunga ng lahat ng ating mga pinagdaanan.Kung totoong mahal natin an gating mga sarili, magawi man tayo sa dulo ng walang hanggan, hindi na natin kailangan pang matakot dahil sat nay na pagmamahal maaari na tayong lumipad.