Nakakatuwang pagmasdan ang mga bata. Pala ngiti. Masiyahin. Malikot. Mapang masid. Tapat. Bata. Napaka inosente nila. Parang walang problema sa buhay. Hindi alintana ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o ang recession na nangyayari sa Amerika. Madaling magparaya at laging puno ng pag asa.
Ang sarap maging bata. Totoo. Kung babalikan ko ang mga nagdaang taon sa aking buhay, ang kabataan ko na yata ang maituturing kong pinaka makulay... ang pinakamasaya. Walang deadlines na hinahabol. Walang assignments or exams. Ang tanging problema lamang noon ay ang pag-inom ng gatas at pagtulog sa tanghali. Walang nag eexpect at walang nag dedemand. Malaya kang gawin ang iyong nais. Malaya kang magkamali at matuto. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang gustong manatili na lamang bata habambuhay.
Kanina ay ipinagdiwang ang araw ng batang Kristo, ang Sto Nino. Sabi ni Father, ang Pilipinas lang daw ang natatanging bansa sa Asya na mayroong Sto. Nino kung kaya’t mapalad tayo. Sabi pa nya, ang itsura daw ng mga Pilipino ay mas bata kumpara sa kanilang totoong edad. Sa palagay ko’y tama doon si Father. Dala na ito marahil ng ating pagiging masiyahin.
Sabi ng lola, iba na daw ang mga bata ngayon. Hi-tech na daw ang mga gamit at laruan. Nakikisabay na sila sa takbo ng siyensya at panahon. Maaaring totoo, subalit nakakatuwang isipin na ang mga simpleng bagay na nakapagdulot sa atin ng kasiyahan noon ay naghahatid pa rin ng kasiyahan sa kanila ngayon.
Pagkatapos ng misa kanina, pinagmasdan ko ang mga bata. May nag aayang kumain sa Jollibee (wala pang McDonald’s sa bayan namin), may nagpapabili ng ibon, may bugnot na at gusto ng umuwi at may nagpabili ng laruan sa plaza. Kapistahan na ng aming patrong Nuestra Senora de Candelaria sa Febuary 2, at gaya ng naka ugalian na, parating may baratillo sa bayan. Marami doong tindang kung ano ano na inaangkat pa yata mula sa Divisoria.
Kung tutuusin, wala naming nakakagulat sa tanawing ito. Ako man dati ay nagpapabili ng cotton candy sa tatay sa tuwing matatapos ang misa. Masaya na ako kapag may cotton candy ako. Dala dala ko ito hanggang sa bahay ng aking lola dahil dumadaan kami doon bago umuwi ng bahay para mag mano.
Sa gitna ng lahat ng ito ay may nakatawag ng aking pansin. Isang bata na may dala dala ng lobo. Nakakatuwa kung paanong hindi nya inaalis ang mga mata nya sa hawak nyang lobo na para bang kung titingin sya sa iba o di kaya’y pipikit man lang ay mawawala ito.
Mahilig din ako sa lobo noon. Simple lang ang mga lobo dati. Bilog lang. Ngayon kse ay kung ano ano na ang mga hugis. May hugis pagong, aso, buwaya, kuneho at pating. Hugis ni Godzilla ang hawak na lobo ng batang lalake. Tuwang tuwa sya habang pinagmamasdan ito.
Habang abalang abala ang bata sa pagtingin sa lobo at hindi nya namamalayan na natutunaw na pala ang dala dala nyang ice cream sa kabilang kamay. Mga ilang segundo pa siguro’y ice cream cone na lang ang hawak hawak nya.
Naisip ko, hindi nya kaya nararamdaman na tumutulo na ang ice cream? Bakit hindi nya ito pinapansin? Hindi ba pwedeng kumain ng ice cream at tingnan ang lobo ng sabay? Ano ba ang mas importante sa bata, ang ice cream o ang lobo?
Sa likod ng payak na tanawin na ito nagtatago ang mas malalim at mas mahalagang realidad ng buhay. Naisip ko, madalas ay gaya din tayo ng bata. Kalimitan ay abala din tayo sa pagtingin sa lobong hawak hawak ng ating isang kamay. Abala tayo sa pag abot ng ating mga pangarap. Abala sa mga bagay na sa ating palagay ay makapagbibigay sa atin ng lubos na kaligayahan sa buhay. Gaya ng mga lobo ngayon, iba’t ibang uri din ng lobo ang hawak ng bawat isa. May lobo ng pangarap, lobo ng trabaho, lobo ng kayamanan, lobo ng mga material na bagay, lobo ng panandaliang saya, lobo ng masamang bisyo, lobo ng bawal na gamot at ang napaka kulay na lobo ng pag ibig.
Ngunit hindi naman mahalaga kung anong lobo ang hawak natin. Ang mas importante ay kung paanong hindi natin napapabayaan ang mga bagay o mga tao sa ating paligid na sa huli’y siya namang tunay na mas mahalaga.
Ang sa akin lang, sana’y huwag natin mapabayaan ang ating mga pamilya dahil lamang sa kagustuhang abutin ang isang pangarap. Sana’y huwag nating isaalang alang ang ating mga prinsipyo sa buhay para lamang magkamit ng panandaliang kayamanan. Sana’y huwag mawala ang respeto natin sa ating mga sarili sa kagustuhang makuha ang lobo ng pag-ibig. Sana’y hindi maging huli ang lahat bago natin bigyang pansin ang ice cream na unti unti na palang natutunaw sa ating kabilang kamay.
Masuwerte tayo kung kagaya ng bata, pwede tayo ulit bumili ng panibagong ice cream. Masuwerte tayo kung pwedeng bumawi sa nawalang panahon. Masuwerte tayo kung may naghihintay pa sa ating bumalik dahil tunay silang nagmamahal sa atin. Masuwerte tayo kung hindi pa huli ang lahat.
Huwag na sana nating palagpasin ang pagkakataong makasama ang mga taong mahal natin sa buhay. I-enjoy natin ang bawat pagkakataong ibinibigay sa atin. Huwag sanang matunaw ang ice cream sa ating mga kamay dahil lamang abala tayo sa pagtingin sa hawak hawak nating lobo.
Ikaw? Natutunaw na ba ang ice cream mo?