Noong mga bata pa tayo, nakakatakot ang pagsapit ng gabi dahil sa mga multo sa ilalim ng ating mga kama. Sari-saring aswang ang naimbento ng mga matatanda para matakot tayo sa dilim. Sari-saring kababalaghan ang naipalabas na sa sampung instalments ng Shake, Rattle and Roll.
Habang tumatanda tayo at nagkakaisip, iba na ang mga multong ating kinakaharap.
Kalungkutan.
Pag-aalinlangan sa sariling kakayahan.
Panghihinayang sa mga bagay na hindi nagawa at nasabi.
Dalamhati.
Pighati.
At kahit na nasa sapat na tayong edad at marami-rami na din naming nalalaman, parati pa rin tayong natatakot sa dilim.
Pagtulog, ito ang pinaka madaling solusyon. Ang kailangan lang ay ipikit ang iyong mga mata. Pero para sa nakararami sa atin, maging ang pagtulog ay isang pagsubok. Gusto natin ito, pero may pagkakataong kahit pagtulog ay hindi natin makuhang magawa.
Subalit, kapag natutunan nating harapin ang ating mga kinatatakutan at bumaling sa iba para humingi ng tulong, ang pagsapit ng gabi ay hindi na gaanong nakakakilabot...
Dahil alam natin, na kahit sa dilim, hindi tayo nag-iisa.
Ikaw, takot ka ba sa dilim?