Sunday, February 15, 2009

YM Conversation (Issue No. 3)


Him: Marvin?

Me: A*****n ? Ikaw ba yan?

Him: Ako nga ‘to bhe. =)

Me: Kumusta ka na? Long time ahhh... ilang taon ba? Isa? Dalawa? Buhay ka pa pala.

Him: Grabe ka lang, nag tetext kaya ako syo.

Me: Oo nga pala... ng mga forwarded quotes. LOL.

Him: Minsan lang. Hehehe. Musta na si mommy mo?

Me: Ok naman. She’s doing better now. Medyo, she has to watch her diet and make sure na she gets enough rest every day. Hindi na din pwede masyado magpagod. Pero okay naman sya. Bakit mo natanong?

Him: Wala naman. Napanaginipan ko kse sya nung isang gabi eh.

Me: Ahhhh....

Him: Sorry, hindi na ako nakadalaw nung nasa hospital sya.

Me: Ok na sa amin yung mga prayers nyo. =)

Him: May boy friend ka na?

Me: Bakit ba lahat kayo tinatanong nyo ako nyan. Uso ba yan ngayon?

Him: Hindi naman, gusto ko lang malaman.

Me: Wala po. Single.

Him: Pwede kita ligawan ulit?

Me: Huh?

Him: Seryoso ako? Okay lang ba?

Me: Lasing ka ba o bored ka lang? After 2 years, babalik ka at sasabihin mo sa akin yan? Anong gusto mo naman maniwala ako?

Him: Kailan ba kita niloko?

Me: Hindi naman yun yung point ko eh. I mean why me? why now? Naubusan ka na ba ng pwedeng i date? Hahaha.

Him: Seryoso yung tao, pinagtatawanan mo. =(

Me: Ano ba kseng nakain mo?

Him: Wala. Na mimiss ko lang yung dati. Babawi ako ngayon promise. Dami kong kasalanan the last time eh.

Me: Kasalanan? Ano ka ba. Naghiwalay tayo ng walang sama ng loob sa isa’t isa diba. Nag usap tyo ng maayos noon. It was a mutual decision. Walang may kasalanan, there are just some things na hindi talaga meant to be. Parang tyo, we are just meant to be friends.

Him: So pwede nga kita ulit ligawan?

Me: Siguro mas okay na wag na lang. Friends na lang tayo. I think we are better off like this.

Him: Ganun. =(

Me: Opo.

Him: Hindi ka ba masaya nung tyo?

Me: Saan naman nanggaling yan? Syempre masaya. Sino ba naman ang makakalimot sa pagkain natin kay Babadji (na sarado na pala ngayon), na kinaibigan mo pa si ate para dagdagan lagi yung ulam natin at lagi pa tayong may soup. Hahahaha.

Him: Syempre, ma diskarte ang asawa mo noon eh. Sarado na sila? Saan ka na kumakain?

Me: Oo naman. Matagal na. Madami namang ibang kainan doon dba. =)

Him: Eh yung mga plato nasa bahay pa?

Me: Oo naman. Kasama ng mga mangkok, tasa, kutsara at tinidor na ninakaw mo pa sa cabinet ng mommy mo. Hahahaha. Kapag nag ta take out ako ng food, ginagamit ko yun, pero syempre bihira lang naman mangyari yun dahil tinatamad akong magdala ng food sa bahay kaya parati lang akong kumakain sa labas.

Him: Edi ginamit yun ng mga ex mo?

Me: Syempre naman. Ano namang gagamitin nila eh yun lang naman ang gamit ko sa bahay. Hehehe. Hayaan mo, sasabihin ko magpa thank you syo.

Him: Hmmmmp! Wag na.

Me: Asan na yung lover mong matanda? Tandang tanda ko pa. Doon ako nagsimulang magalit sa mga matatandang bading. Parati kse nilang inaagaw ang mga syota ko eh. Hahahaha.

Him: Wala na kme noon.

Me: Bakit eh love na love mo kaya yun. Imagine binura mo pa ako sa friendster dahil ayaw nya. Doon ka pa sa kanila tumira. Friends mo pa yung mga friends nya. Pero alam mo, naintindihan ko naman yun. You were starting a life with him at hindi naman makakatulong kung lagi ka pa ding magiging updated sa mga nangyayari sa kin dba.

Him: Sorry.

Me: No need to say sorry. Ito ang gusto kong maintindihan mo. We are where we are now because this is exactly where we are supposed to be. 2 years ago, siguro hindi pa natin maiintindihan, pero ngayon, everything makes perfect sense. Nangyari ang dapat mangyari for us to become better individuals. Even if we did not end up together, nag grow naman tyo dba... and now we know better.

Him: Kung may babalikan ka sa aming mga ex mo, sinong babalikan mo?

Me: Wow. Bigat! Parang the buzz lang. Tough ten question number seven. Hahaha. Hmmm.... yung totoo? Wala.

Him: Wala? Bakit? =(

Me: Because we had our chance. Tayo, kami... lahat... we were all given a chance. Pero kung hindi kayo, hindi kayo right? Yun nga ang natutunan ko eh, that time is never enough kaya you have to make the most of every moment. Walang assurance ang mga bagay bagay, pwedeng magkatabi kayo natulog ngayon pero wala na pala sya pag gising mo. The only way not to regret is to give it your all. Sabi nga dba, you have to love and give until it hurts no more. Kaya wala akong pipiliing balikan. Wala akong pipiliting ayusin. Why waste your time trying to make ends meet kung alam nyo naman na sa huli ay hindi rin kayo. I would rather waste my time waiting for the right guy and be ready and worthy when he comes my way.

Him: Give? Eh give na nga lang ako ng give, wala ng natira sa akin.

Me: Mali ka dyan. You never run out of love. Hindi ka pwede maubusan dahil hindi naman nila nakukuha syo ang pagmamahal mo. That’s the beauty of loving, the more you give, the more you gain. Pwedeng at certain times magkulang o sumobra kaya pero hindi ka mauubusan kailanman ng pagmamahal dahil kahit minsan hindi naman nakukuha ng ibang tao ang mga bagay na kusa nating ibinibigay sa kanila.

Him: That makes sense. Thank you.

Me: Thank you din. You came into my life during my lowest moment. Kung hindi ka dumating noon, hindi ko alam where I’d be now. Thank you for taking good care of my heart kahit hindi ka naman cardiologist.

Him: Hahaha. Hayaan mo, mag dodoktor ako. Miss you Bhe.
Me: Marvin na lang. =) Reserve mo na lang yan sa next boyfriend mo.

Him: =) I’ll see you around.

Me: Remember, no surprise visits.

Him: I can’t promise that.

Me: Bahala ka, hindi kita pagbubuksan ng pinto.

Him: Ingat ka. Miss you like hell.

Me: Same here. Nice to hear from you again.

2 comments:

Anonymous said...

Thanks for sharing this YM. Maturity and experiences do come handy at the right time. :)

Scorpio

Anonymous said...

Ang dami kong natutunan sa conversation na ito... Awww... the feels... :))