Friday, July 6, 2007

Pantasya ng pag-ibig ng isang istupidong ako


Sa buong buhay mo, inakala mo na bang umibig ka? O kaya naramdaman mo ang malaking kabulastugan na tinatawag na "pag-ibig". Masakit di ba? Masalimuot, mahapdi, mabigat...

Ang pag-ibig, isa itong malaking kasinungalingan. Nang ikwento mo sa akin ang love life ng mga kaibigan mo, sinabi ko nga sa iyo na "big joke yun". Kagaya ko, joke ang nagyari sa akin. Madali kang matatamaan ng pana ni Cupido, di lang ng basta pana ang tatama sa iyo, kundi pana na may lason. Pag-ibig na lason sa mundo mo. Nabuksan ang puso ko, nakita ang niloloob ko kaya't madali mo akong ginago. Di lang ginago, pati baligtarin ang mundo ko.

Ilang taon na ring nakatayo ang mga depensa ko laban sa kagaguhang tinawag na pag-ibig. Ani ko sa sarili ko, di ako magpapalamon dito. Di ko pababayaan na bigyan ako ng sugat sa mga kalokohang pag-ibig. Ang pag-ibig, ito ang alamat ng ating henerasyon. Ang alamat na kung saan binibigyan ng pinagmulan ang mga kalokohan ng sangkatauhan.

Agosto noon. Sa isang napakaordinaryong araw, nakita kita. Sa isang istupidong araw, may isang istupidong tao, na walang pinagkaiba sa mga istupidong tao sa paligid ko, ang umupo sa harap ng pinakastupidong tao sa istupidong mundong ito. Siguro nakita na kita bago noon pero noon lang kita napansin. Ang ganda nga ng ngiti mo noon.

Sa unang tingin cute ka. Hindi gwapo, kundi cute. Mataas kasi ang batayan ko ng kagwapuhan. May ideya ka siguro kung gaano kataas, isa ito sa una mong tinanong sa akin, kung sino ang gwapo para sa akin. Para sa akin, isa lang ang gwapo sa buong mundo, isa lang. Kaso di ko nasabi sa iyo, na pangalawa ka sa listahan ko sa mga pinakagwapong lalake sa mundo. Na ikaw na ang pinakamalapit na lalake, kasama ang mga nasa telebisyon at pelikula at supermodel, sa depinisyon ko ng gwapo. Sa Ingles, "you may not be the epitome of beauty itself but you're beautiful nonetheless".

Kaso, malala pa sa tibay ng bato at tigas sa blokeng semento ang depensa ko noon laban sa ideya na ibigin ka. Bakit pa? Isa ka nga sa mga pinakamagandang lalake sa mundo na madalas kong nakikita kung saan saan pero ewan ko kung bakit. Siguro mahiyain ako. Siguro di ko gusto yung mga nasa paligid mo noon. Siguro di lang kita napapansin. Ilang buwan ka ring extra sa pelikula ng buhay ko.

Tapos sa isang napakaordinaryong araw, may malaking kabobohan kang ginawa. Kinausap mo ako. Ibang klase kang kausap, iyon ang kwento ko sa kaibigan ko noon. Ayun na, nawili na akong kausapin ka mula noon. Nagkakilala tayo tapos naging magkaibigan tayo. O baka sa isip ko lang na magkaibigan tayo. Hanggang ngayon pa naman, kung tanungin ako, kaibigan kita. Pero ewan ko kung kaibigan mo pa rin ako.

Tapos naging close tayo. Unang date natin umupo ka sa tabi ko. Di ako nagpahalatang may gusto na ako syo noon. Ibang klase naman kse ang ngiti mo. Kung pwedeng mabuhay ang tao sa ngiti siguro ay doon na ako maninirahan sa mga ngiti mo. Kumain tayo, tapos nag kape sa Starbucks. Nanood tayo ng sine at naglaro sa grocery store na parang mga batang walang pakialam sa mundo.

Doon mo napasok ang katakot-takot na depensa ko. At tanga naman ako, hinayaan kong pasukin mo ang mundo ko. Mula noong unang date natin, hindi na sa akin ang buhay ko. Ibinilang kita sa mundo ko. Binigyan kita ng parte ng buhay ko maski wala ka namang hiningi, ni katiting.

Unti-unti, ikaw ang naging sentro ng buhay ko. Naniwala ako noon sa pag-ibig. Naniwala ako na mahal kita kahit di mo masusuklian ang pagmamahal ko.

Ano pa ba?

Paggising, ikaw. Pagtulog, ikaw. Sa panaginip, ikaw. Ang kasama, ikaw at di na yung barkada ko. Ang palaging kasama, ikaw at mga kaibigan mo. Kapag kasama ko ang barkada, ikaw ang bukambibig ko. Sa mga email sa kaibigan, ikaw. Ang kwento sa kaibigan, ikaw. Ang unang pumapasok sa isip ko, ikaw. Ang dahilan ko para pumasok sa trabaho, ikaw. Ang katext, ikaw. Ang kausap, ikaw.

Dumating sa punto na hindi na ikaw ang sentro ng buhay ko, kundi ikaw ang buhay ko. Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, ikaw... Nawala ako sa malaking ikaw!
Dumating ang panahon ng pasukan mo sa eskwela. Nagsimula doon ang pag-unti ng dalas ng pagkikita natin. Bumihira ang pag-uusap natin. May pinasok kang mga pagkakaabalahan at ako rin. Yung mga dating ginagawa na kasama ka, mag-isa ko nang ginawa. Ewan ko kung tama yung naramdaman ko pero iniwasan mo rin ako. Sa madaling salita, nawala ka sa buhay ko.

Nalulong ako sa kasinungalingan na umiibig ako sa iyo. Napasok ang buhay ko ng kasinungalingan kaya't nilamon ako ng pag-ibig at ako'y natigilan sa kadiliman ng mga kagaguhan ng pag-ibig. Weirdo nga, dahil habang pinipigilan ko ang sarili kong aminin kung gaano kita kamahal ay ganun naman ang pagpapadama mo sa akin na mahal na mahal mo ako, na ako lang sa buhay mo, na wala ng iba, na tayo hanggang sa huli.

Pero ano tayo ngayon. Nasaan ka? Nawala ka din naman. Anlaki ng butas na pupunuin sa pagkawala mo. At tuwing magkakasalubong tayo at umaarte kang di mo ako nakikita, parang may bubog na unti-unti bumabaon sa puso ko.

Masakit. Hindi lang masakit lang sa puso't isipan. Hindi lang basta masakit. Ito yung sakit na pinupunit ang kaluluwa mo, na parang niluluto ang lamang loob mo, na nasusunog ang katawan mo, na dinadaanan ka ng pison, na ginagarote ang utak mo, na nginangata ang sikmura mo ng daga, na hinihiwa ng lagari ang katawan ko, na parang unti-unti kang binabalatan ng icepick.

Ganoon kasakit.

Bakit? Kaya ko lang manghula. Dahil siguro akala ko mahal kita. Siguro dahil nawala ng buo ang buhay ko sa akin. Siguro dahil kagaguhan ang umibig. Siguro dahil nagpaloko ako sa mga kasinungalingan ng buhay ko. Hindi ako sigurado sa mga dahilan pero sigurado ako sa epekto, masakit.

Nakita kita noong isang araw. Nakasuot ka ng pula at nakangiti. "Kamusta na?", ito ang bigkas ng labi ko sa pagsalubong natin. "Mabuti" sabay ngiti, ngiting peke.

Sana nga nasa mabuti kang kalagayan habang ako ay nananakit at pilit na pinupuno ang puwang na naiwan mo sa malaking kalokohan na pinamagatang "Buhay Ko".

Dapat walang bagay na makakagawa niyan. Na kayang kang saktan na kagaya ko. Lalo na ikaw. At maski ang pantasya ng pag-ibig.

Oo, isang pantasya ang pag-ibig.

11 comments:

Anonymous said...

how sad....

:(

Anonymous said...

Ich entschuldige mich, aber diesen ganz anderes. Wer noch, was vorsagen kann? cialis generika cialis rezeptfrei kaufen [url=http//t7-isis.org]levitra bestellen[/url]

Anonymous said...

Hi people, I just registered on this splendid community and desired to say hey there! Have a remarkable day!

Anonymous said...

if you guys exigency to webbing [url=http://www.generic4you.com]viagra[/url] online you can do it at www.generic4you.com, the most trusted viagra pharmacopoeia repayment as a replacement for the advantage of generic drugs.
you can learn drugs like [url=http://www.generic4you.com/Sildenafil_Citrate_Viagra-p2.html]viagra[/url], [url=http://www.generic4you.com/Tadalafil-p1.html]cialis[/url], [url=http://www.generic4you.com/VardenafilLevitra-p3.html]levitra[/url] and more at www.rxpillsmd.net, the pre-eminent [url=http://www.rxpillsmd.net]viagra[/url] initial town on the web. well another great [url=http://www.i-buy-viagra.com]viagra[/url] pharmacy you can find at www.i-buy-viagra.com

Anonymous said...

Make room the animal with two backs casinos? authenticate this young [url=http://www.realcazinoz.com]online casino[/url] president and take up online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also into our untrained [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] control at http://freecasinogames2010.webs.com and take corporeal folding money !
another late-model [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] locality is www.ttittancasino.com , in return german gamblers, call manumitted online casino bonus.

Anonymous said...

good site!

Anonymous said...

Hi Brothers

Looks 4 sure like www.blogger.com justmight be a enormous forum for me
I am lucky to have stumbled upon it.


I thought you might like this : What the hell, go ahead and put all your eggs in one basket. :


Lol!

Anybody into Travel


Looking forward to a good long stay here!

New Jersey,Boonton

Anonymous said...

Hi I'm Gary from drum ltd and we've got quite the riveting collection of [url=http://drumltd.com]drum kit[/url]. The consummate collection of drum kit components depends on factors like melodic style, special favouritism, fiscal resources, and transportation options of the drummer. Cymbal, hi-hat, and tom-tom stands (if it comes with), as soundly as bass drum pedals and drum thrones are regularly touchstone in most drum kits. Most mass produced drum kits are sold in bromide of two five-piece configurations (referring to the swarm of drums alone), which typically group a bass drum, a ensnare drum, two toms, and individual nautical tom. The column sizes (sometimes called ‘throw’ sizes) are 22” (head weight diameter) bass drum, 14” ensnare drum, 12” and 13” mounted toms, and a 16” beat tom. The other celebrated configuration is called "Fusion", a certification to jazz fusion music, which usually includes a 20” (or on 22") bass drum, a 14” snare drum, and 10”, 12” mounted toms, and a 14” bowl over tom.

Anonymous said...

Karen millen bolt workshop provides you with overcome eminence evening dresses. Karen millen outlet dresses www.karen--millenoutlet.com are hot bargain-priced all about the epoch as afar as something the [url=http://www.karen--millenoutlet.com/]Karen millen outlet[/url] well-bred workmanship. Understandable on!

Anonymous said...

yweojy bpxty omgwf jhtx [url=http://www.thenorthfacejakkedanmark.info]North Face outlet[/url]
kiseis llkjw kievi iruv [url=http://www.thenorthfacepascherfrance.info]North Face soldes[/url]
osozis tixde bozcy oykc [url=http://www.thenorthfacejasssalenederland.info]North Face outlet[/url]
wukilm ntvkn qvjyx mnkm [url=http://www.thenorthfacesalestorecanada.info]North Face outlet[/url]
agxuod ervxh hyyxj oijo [url=http://www.thenorthfacejakkernorgeonline.info]North Face outlet[/url]
gxwkhe egczz jixqc zgeb [url=http://www.thenorthfacejackasverigeonline.info]North Face jackor[/url] jjvqbryef rlxkkkfaa prsjsdvyu [url=http://www.the-north-face-jackets-sale.com]cheap north face jackets[/url] spuugqewu qtwovksnq kvdmaeubh [url=http://www.the-north-face-jackets-sale.com]the northface[/url] lbbuvrtsb ctwwquufm cgzmolnoc [url=http://www.the-north-face-jackets-sale.com]north face jacket[/url] fgabdfuhg xapychoye mxodkjsje
Related articles:
http://www.prachuapkhirikhan.go.th/webboard/posting.php?mode=reply&f=3&t=1716
http://www.fatguyshow.com/http:%2f%2fwww.the-north-face-jackets-sale.com
http://www.hatsal.or.kr/shop/m_reply.php?ps_db=freeboard&ps_boid=4&ps_page=1&ps_sele=&ps_ques=&ps_line=&ps_choi=&ps_divi=

Anonymous said...

buy lorazepam online lorazepam 1 mg identification - ativan addiction