Sunday, January 25, 2009

Kung totoong “Truth Hurts”, gusto mo pa bang malaman?


Katotohanan... masakit, mahirap marinig, nag iiwan ng kirot sa puso.

Kung iisipin, lahat ay gustong malaman ang totoo pero madalas din, walang gustong makadinig nito... lalo na kung alam mong masasaktan ka... kung hindi handa ang iyong kalooban... kung hindi matatag ang iyong damdamin.

Minsan, nagsasabi tayo ng totoo, dahil ang katotohanan lamang ang tanging mayroon tayo.

Minsan, nagsasabi tayo ng totoo, dahil kailangan natin itong ilabas, sabihin ng malakas, galing mismo sa ating sariling bibig.

Minsan, nagsasabi tayo ng totoo dahil hindi na natin mapigilan ang ating mga sarili.

At pagka minsan...

paminsan - minsan...

Nagsasabi tayo ng katotohanan, dahil alam natin, sa kaibituran ng ating mga puso, na karapat-dapat nilang marinig kung ano ang totoo mula sa atin at hindi mula sa iba...

Dahil ganun na lamang silang kaimportante sa atin.

1 comment:

Anonymous said...

nice ha, hmmmmmmmmmmmmmmmmmm I like it.