Red – Orange – Yellow – Green – Blue – Indigo – Violet
Pagkatapos ng mahabang ulan, may pitong kulay na biglang susulpot sa kalangitan na syang magsisilbing tanda na may pag asa sa bawat pasakit.
Sabi sa lumang kasulatan, ang bahag hari daw ang simbolong ibinigay ng Diyos sa atin bilang tanda na hindi na nya muli pang sisirain ang daigdig. Mula noon ay naging simbulo na ito ng pag asa para sa lahat. Naging simbulo din ito ng mga bading. Ewan ko pero kapag gay pride ang daming rainbows eh. Sabi nga nung isang text na natanggap ko:
San Pedro: Mga bakla, hindi kayo pwede dito sa langit.
Mga bakla: Ok lng yun San Pedro, dito na lang kme sa rainbow, mag slide-slide.
Pero kung iisiping mabuti, ang paglitaw ng bahag-hari ay parang sa pag-ibig din lang.
Pagkatapos ng isang malupit na kabiguan, pagkatapos ng isang matinding hiwalayan, pagkatapos ng pamamaalam, may mga tao pang pwedeng paglaanan ng iyong oras at wagas na pagmamahal. Hindi naman dapat matapos ang buhay sa break up o sa divorce. Hindi naman katapusan ang pagka annul ng isang kasal.
Kagaya ng bahag hari, parating mag bagong pag asang hatid ang pagtila ng ulan. Dahil sa oras na isinara mo na ang iyong payong, may pitong kulay na biglang susulpot sa kalangitan na syang magsisilbing tanda na padating na ang bagong pag-asa.
Yun nga lang, ang problema, kadalasan sa dami ng kulay na pwedeng pagpilian, yung dati pa ring kulay ang paborito mo.
At ang kulay na paborito mo ay wala sa ROYGBIV.
Ikaw, ang paboritong kulay mo ba ay nasa ROYGBIV?

No comments:
Post a Comment