Wednesday, January 28, 2009

People Are People


Anong bahagi ba ng tao ang totoong sya? Anong bahagi mo ba ang ikaw? Kung paghiwa-hiwalayin ang iba’t ibang parte ng tao, ano kaya sa mga ito ang magrerepresenta sa kanya? Sya ba ang utak o ang puso? Sya kaya ang baga o di kaya’y ang atay? Sya kaya ang apdo o ang bituka?

Nagtatanong lang naman.

Naisip ko kasing parating puso at utak lang ang nababanggit kapag pag ibig na ang napapag usapan, o di kaya’y kapag kailangang gumawa ng isang mahalagang desisyon. Ibig bang sabihin nito’y alin lang sa dalawa ang tao, ang puso o ang utak?

Kung ang tao ay ang kanyang utak, paano ang mga bobo, mahina din ba ang pagkatao nila? Paano ang mga baliw? Kulang din ba sa katinuan ang kanilang pagkatao? Kung maaksidente ka at mabagok ang iyong ulo? May lamat na ba ang pagkatao mo nun? Paano ang mga makalilimutin? Uliyanin din ba ang pagkatao nila?

Kung ang tao ay ang kanyang puso, paano kung magpa heart transplant sya? Hindi na ba sya yon? Mahina kaya ang pagkatao ng mga taong may sakit sa puso? Kung ipinanganak ang isang sanggol na may butas sa puso, butas din ba ang kanyang pagkatao?

Kung ang tao ay hindi ang kanyang utak o puso, sino sya?

Kung ang tao ay ang kanyang buhok, panot din ba ang pagkatao ng mga taong kalbo? Magulo din ba ang pagkatao ng mga kulot? Maputi din ba ang pagkatao ng mga matatanda?

Kung ang tao ay ang kanyang ngipin, kulang kulang ba ang pagkatao ng mga taong bungal? Mabaho ba ang pagkatao ng mga may bad breath? Hindi ba totoo ang pagkatao ng mga may pustiso?

Kung ang tao ay ang kanyang mata, malabo din ba ang pagkatao ng mga taong hindi malinaw ang paningin? Apat din ba ang pagkatao ng mga naka salamin? Blue din ba ang pagkatao ng mga naka contacts? Mapula ba ang pagkatao ng mga taong may sore eyes? At madumi din ba ang pagkatao ng mga taong may muta?

Kung ang tao ay ang kanyang baga, may spotting din ba ang pagkatao ng mga may TB? Mausok din ba ang pagkatao ng mga nagyoyosi?

Kung ang tao ay ang kanyang balat, maitim ba ang pagkatao ng mga negro? maputi ang mga mestizo? at madilaw ang mga intsik? Magaspang ba ang pagkatao ng mga may buni at an-an?

Kung ang tao ay ang kanyang boobs (para sa mga babae), malaki ba ang pagkatao ng mga may malaking hinaharap at nakadapa ba ang pagkatao ng mga models? Silicone ba ang pagkatao ng mga nagpa augment?

Kung ang tao ay ang ari ng babae, ibig bang sabihin nito ay napapasok ng isang lalaki ang pagkatao ng isang babae habang nagtatalik? Dinudugo din ba ang pagkatao ng taong may regla?

Kung ang tao ay ang ari ng lalake, supot ba ang pagkatao ng mga hindi tuli? Matigas ba ang pagkatao ng mga pervert? Ibig bang sabihin nito ay naisusubo ng isang babae o ng isang lalake ang pagkatao ng isang lalakeng kanilang bino blow job? Nilalabasan din ba ang pagkatao ng isang taong nag cum?

Kung mag donate ako ng isang parte ng aking katawan sa iba, kulang na ba ang pagkatao ko o mas lalong nabuo? Kung ibigay ko ang aking kidney sa iyo, ikaw ba ay ako na din? O ako ang naging ikaw?

Sa aking palagay ang tao ay higit pa sa pinagsama samang parte ng katawan. Higit pa sa iba’t ibang body systems. Higit pa sa combination ng kanyang mga buto o ugat. Sa aking palagay, ang tao ay ang kanyang mga pangarap at karanasan. Sya ay ang kanyang mga hangarin at layunin sa buhay. Sya ang kanyang prinsispyo at mga paniniwala. Sya ay ang kanyang mga kapatid, mga kaibigan, mga kaaway. Sya ay ang kanyang mga magulang, ang kanyang ina at ama.

Ang tao ay ang kanyang damdamin.

Ang tao ay ang kanyang kaluluwa.

Ang tao ay ang kanyang misyon sa buhay.

Ang tao ay tao.

Ikaw, sino ka bang talaga?

No comments: